ni Rey Tamayo, Jr.
Ano ang IPOPHL?
Ang IPOPHL o mas lalong kilala sa tawag na Intellectual Property Office of the Philippines ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa pagpapatala ng intelektuwál na ari-arian (intellectual property) ng isang indibiduwal, grupo, at kompanya. Ang ahensiya rin ang naghahanap ng solusyon hinggil sa mga usaping legal na may kinalaman sa intellectual property rights sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, matatagpuan ang punong tanggapan ng IPOPHL sa Intellectual Property Center, 28 Upper McKinley Road, McKinley Hill Town Center, Fort Bonifacio, Taguig City.
Kasaysayan
Sa bisa ng Republic Act. No. 8293 na kilala rin bilang Intellectual Property Code of the Philippines na pinamatnugutan ng dating senador Raul S. Roco, ay naitatag ang IPOPHL na nilagdaan noong Hunyo 6, 1997 at naging ganap na batas noong Enero 1, 1998 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Matapos na maratipikahan ang IP Code of the Philippines ay agad na pinalawig nito ang naunang tungkulin ng Bureau of Patents, Trademarks and Technology Transfer (BPTTT) sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Emma Francisco bilang Director General ng IPOPHL.
Taong 2001, sa pagnanais ng IPOPHL na mapalakas at mapalawig ang intellectual property system patungo sa internasyunal na pamantayan ay naging kasapi ang Pilipinas sa World Intellectual Property Organization at naging bahagi ng Patent Cooperation Treaty ng nasabing organisasyon.
Naging mabilis ang pag-usad ng modernisasyon ng intellectual property system sa bansa matapos ang maraming programa sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Adrian S. Cristobal, Jr., bilang ikalawang Director General ng IPOPHL noong taong 2005. Mas pinaigting ni G. Cristobal ang mga polisiya at relasyon sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa mga inilulunsad na proyekto upang pangunahan ang lokal at internasyunal na mga programa.
Noong Hunyo 21, 2008 sa bisa ng Executive Order No. 736 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay inilunsad ang National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR), isang inter-agency body na magbabantay, magpapalakas, mangangalaga at magtataguyod ng karapatan ng intelektuwál na ari-arian sa bansa.
Mga Ahensiya ng Gobyerno na bumubuo ng NCIPR
Ang NCIPR ay binubuo ng labing dalawang kasapi. Ang Department of Trade and Industry ang tumatayong Chairman at ang IPOPHL bilang Vice Chairman batay na rin sa inilabas na Executive Order No. 736. Ang mga sumusunod na ahensiya ng gobyerno ay bahagi ng mas pinalakas at pinalawak na NCIPR na may mandato na itaguyod sa mas mataas na antas ang karapatan ng intelektuwál na ari-arian sa Pilipinas.
1. Department of Justice
2. Bureau of Customs
3. Food and Drug Authority
4. National Bureau of Investigation
5. Philippine National Police
6. Optical Media Board
7. National Book Development Board
8. Office of the Special Envoy on Transnational Crime
9. Department of the Interior and Local Government
10. National Telecommunications Commission
Source: https://www.officialgazette.gov.ph/2008/06/21/executive-order-no-736-s-2008/
Copyright: Isa sa Mga Pangunahing Pinangangalagaan ng IPOPHL
Ang Copyright ay isang sangay ng Intellectual Property kung saan ibinibigay ang pagmamay-ari sa manlilikha ng isang obra at sa mga awtor ng likhang pampanitikan at sa iba pang artistikong likha.
Ang Copyright ay isang legal na proteksiyon ng nagmamay-ari ng karapatan na nasa anyong orihinal. Nakapaloob sa “original work” ay ang mga produksiyong pampanitikan, siyentipiko, at artistikong gawa o likha.
Ilan sa mga pampanitikan at artistikong likha na kasama sa IP Code ay ang mga libro/aklat, musika, pelikula, litrato, pintura/kuwadro at mga programa sa kompyuter. Ginagarantiyahan ng Copyright laws ang sinomang may-akda, manlilikha ng obra, awtor na maprotektahan ang mga likhang sining at akdang pampanitikan sa panahong ito’y natapos na maisulat o nilikha.
Ang mga sumusunod ay Literary at Artistic Works na saklaw ng Copyright laws :
A. Books, pamphlets, articles and other writings.
B. Periodicals and newspapers.
C. Lectures, sermons, addresses, dissertations prepared for oral delivery, whether or not reduced in writing or other material form.
D. Letters.
E. Dramatic or dramatic-musical compositions; choreographic works or entertainment in dumb shows.
F. Musical compositions, with or without word.
G. Works of drawing, painting, architecture, sculpture, engraving, lithography or other works of art; models or designs for works of art.
H. Original ornamental designs or models for articles of manufacture, whether or not registrable as an industrial design, and other works of applied art.
I. Illustrations, maps, plans, sketches, charts and three-dimensional works relative to geography, topography, architecture or science.
J. Drawings or plastic works of a scientific or technical character.
K. Photographic works including works produced by a process analogous to photography; lantern slides.
L. Audiovisual works and cinematographic works and works produced by a process analogous to cinematography or any process for making audio-visual recordings.
M. Pictorial illustrations and advertisements.
N. Computer programs.
O. Other literary, scholarly, scientific and artistic works.
(Source: https://www.officialgazette.gov.ph/1997/06/06/republic-act-no-8293/)
Uri ng Karapatan na Saklaw ng Copyright
1. Economic Rights –
Ang Economic rights ay ang pagpapahintulot sa may-ari ng karapatan na makakuha ng pinansiyal na gantimpala bilang kabayaran o “royalty” sa mga obrang likha na ginamit ng isang indibibuwal, grupo o kompanya. Sa ilalim ng Economic rights, ang manlilikha o awtor ng isang obra/likha ay may karapatang magpahintulot o kaya’y ipagbawal ang maramihang produksiyon o pagkopya ng isang partikular na likha o akda.
Ito ay ilang pangunahing karapatan sa ilalim ng copyright: pampublikong pagganap; komunikasyon ng kaniyang likha/akda sa publiko tulad ng (pagsasalin, dramatisasyon, adaptasyon); pagbili, pagrenta, at ang pagtatanghal sa publiko ng kaniyang likha/akda.
2. Moral Rights –
Ang Moral rights ay ang pagpapahintulot sa awtor at manlilikha na matiyak ang direktang karapatan at pagkakaroon ng personal na ugnayan sa pagitan ng kaniyang obra/akda/likha.
A. Na kilalanin ang may-akda na ang kaniyang karapatan na maangkin ang pagmamay-ari ng isang partikular na akda o likha.
B. Ang karapatang salungatin o labanan ang anumang pagbabago sa isang akda o likha na maaaring makasira sa reputasyon ng may-akda.
Nananatili ang Moral rights sa awtor kahit na nailipat na ang kaniyang Economic Rights. Ang Moral Right kailanman ay hindi maaaring mailipat kaninuman.
Benepisyo
Ang may-akda o awtor ng isang likha ay pinoprotekhan ng Copyright na nagpapahintulot ng eksklusibong karapatan na ito’y gamitin o pagbibigay ng pahintulot sa iba na ito’y magamit na mayroong nakasulat na kasunduan o kasulatan. Ang proteksiyon ng awtor sa kaniyang karapatang-ari sa mga akdang pampanitikan at sa iba pang artistikong likha ay may bisa hangga’t ang may-akda ay nabubuhay at karagdagang 50 taon pagkamatay nito.
Ngunit may iba't ibang haba ang copyright, depende sa dami ng may akda at depende sa uri ng akda.
Works of joint authorship – ito ay protektado nang 50 years pagkatapos mamatay ng pinakabatang co-author ng isang akda.
Photographic works - ito ay protektado nang 50 years pagkatapos na lumabas o nalathala ang larawan sa publiko.
Works of applied art – ito ay protektado nang 25 years pagkatapos na nilikha ang mga obra.
• Industrial design.
• Architecture.
• Ceramic art.
• Automotive design.
• Fashion design.
• Calligraphy.
• Interior design.
• Graphic design.
Audio-visual works – ito ay protektado nang 50 years pagkatapos ng unang araw na napanood ito sa publiko.
(Source: http://www.federislaw.com.ph/faqs-resources/copyright/)
Derivative Works
Ayon sa Section 173.2 ng Intellectual Property Code, ang derivative works ay ipinagpapalagay na bagong likha kung hindi nito nilabag ang anumang batas na may kinalaman sa karapatang-ari ng orihinal na likhang sining. Ang mga sumusunod ay maaaring ikonsidera bilang derivative works:
1. Dramatizations
2. Translations
3. Adaptations
4. Abridgments
5. Arrangements
6. and other alterations of literary or artistic works
Unprotected Subject Matter
Ang mga sumusunod ay ikinokonsidera namang unprotected subject. Alinman sa mga ito ay hindi kinokonsiderang karapatang-ari ng isang indibiduwal, grupo, o kompanya sapagkat hindi ito nakaabot o nakapasa sa panuntunan ng mga kahingian ng isang likha, akda at obra.
1. Idea
2. Procedure
3. System
4. Method or operation
5. Concept
6. Principle
7. Discovery or mere data
8. News of the day
9. Any official text of a legislative, administrative or legal nature, as well as any official translation thereof
(Source: National Library of the Philippines, http://web.nlp.gov.ph/nlp/?q=node/646)
Mga dapat malaman sa paglalagak ng rehistro sa IPOPHL
1. Sagutan ang dalawang kopya ng Copyright Deposit Form.
2. Ilakip ang dalawang kopya ng orihinal na akda.
3. Mga kahingian ng kabayaran sa paglalagak ng rehistro ng karapatang-ari: