ni Neriza G. Timola
Pagbabasa ang isa sa mga paraan upang makakuha ng impormasyon. Nakatutulong rin ito upang matuto ang mga mambabasa mula sa akdang kanilang binabasa at magbago ang kani-kanilang pananaw tungkol sa paksang naibigan nilang basahin. Ika nga nila, “Pagbabasa ang pinakamadaling paraan upang mabuksan ang isipan sa mga bagong ideya at konsepto.”
Sa maraming pagkakataon, naipakita sa kasaysayan na ang pagbabasa ay isa sa mga naging dahilan ng pagbukas ng kamalayan ng ating mga bayani. Halimbawa na lamang nito ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang pagbabasa niya ng akdang El Conde de Monte Cristo o The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas ang isa mga nakaimpluwensiya sa kanya upang maisulat niya ang dalawang pamosong nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Si Andres Bonifacio naman ay nabuksan ang kamalayan at naimpluwensiyahan nang mabasa ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na isinulat ni Dr. Jose Rizal, gayundin ang Les Miserables ni Victor Hugo at The Wandering Jew ni Eugene Sue. Si Guillermo Masangkay, isang katipunero, ay mahilig ding magbasa. Katunayan ay nanghihiram pa siya ng mga aklat sa kanyang mga kapitbahay.
Ang mga pangyayaring ito ay ilan lamang sa mga sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan ng pagbabasa dahil sinasalamin lamang nito na ang pagbabasa ay nakatutulong upang mabuksan ang kamalayan ng bawat isa. Ang pagbabasa ng mga lumang akda o classic literature ay isa sa mga paraan upang makilala natin ang ating mga sarili bilang mga Pilipino, upang malaman natin ang ating kasaysayan at lubos na mabatid ang ating kultura at tradisyon. Nakatutulong rin ito upang maunawaan natin ang mga pangyayari sa kasaysayan na naging dahilan upang matamo natin ang mga pribilehiyong tinatamasa natin sa kasalukuyan. Ayon sa ilan, malaki raw ang naitutulong sa atin ng pagbabasa ng mga lumang aklat dahil mas reliable o mapagkakatiwalaan ang mga ito pagdating sa mga inilalatag na impormasyon sa mga mambabasa.
Ngunit sa kasalukuyan, iilan na lamang ang mga bumibili ng mga aklat sa bookstore, mapaluma o bago mang aklat. Maaaring ang dahilan nito ay ang kawalan ng pambili ng aklat o kakulangan sa budget na pambili kaya naman hindi na nakapagbabasa ng mga akda. Ngunit sa ngayon, maaari nang makapagbasa nang hindi bumibili ng mga aklat. Sa tulong nito, maaari nang makapagbasa ang kahit sino. Maaari na ring makakuha ng mga kopya ng akda ang mga guro at mag-aaral nang hindi na kailangan pang bumibili dahil ito ay libre. Ang mga akdang tulad nito ay bahagi ng tinatawag na Public Domain.
Ang Public Domain ay tumutukoy sa mga akda o katha na wala nang nagmamay-ari ng karapatang-ari o copyright kaya maaari nang gamitin ninoman nang libre. Maaaring tapos na o nawalan na ng bisa ang mga dokumentong pinirmahan ng may-akda na nagpapatunay na ang akda o ang kathang iyon ay pag-aari niya at hindi maaaring gamitin ninoman nang walang pahintulot.
Ang mga akdang kabilang sa Public Domain ay maaaring gamitin at i-reproduce ninoman nang hindi kailangang magbayad o humingi ng pahintulot sa may-ari nito. Upang matukoy kung ang isang akda ay kabilang na sa Public Domain, kinakailangan munang alamin ang taon ng kamatayan ng may-akda. Kung natukoy na ito, magdagdag lamang ng 50 taon mula sa taon ng kamatayan ng may-akda sapagkat ang karapatang-ari ng may-akda sa kanyang katha ay epektibo mula nang kathain niya ang akda hanggang 50 taon mula sa taon ng kanyang kamatayan.
Upang lubos pang makatulong at mahimok ang karamihan na magbasa at upang makatulong na rin sa mga guro at mga mag-aaral, narito ang ilan sa mga akdang kabilang na sa Public Domain na maaari nang gamitin nang libre. Ang kopya o soft copy ng ilang mga akdang nakatala sa ibaba ay maaaring ma-download nang libre at mabasa online sa Project Gutenberg. Bisitahin lamang ang kanilang website sa http://www.gutenberg.org.
Ang Project Gutenberg ay isang online library na namamahagi ng mga libreng akda na kabilang na sa Public Domain. Ito rin ang pinakaunang organisasyon na namahagi ng libreng Electronic Books (eBook) sa tulong ni Michael Hart - Founder ng Project Gutenberg at imbentor ng eBooks noong 1971 upang makapagbigay pa ng inspirasyon sa iba. Layunin ng Project Gutenberg na himukin ang bawat isa na gumawa at mamahagi pa ng mga eBook. Nagsimula ito noong 1971 sa United States nang mabigyan si Hart ng access sa paggamit ng Xerox Sigma V mainframe Computer sa University of Illinois kung saan siya nag-aaral. Sa kasalukuyan, itinuturing itong isa sa pinakamatandang Digital Library na mayroong higit kumulang 60, 000 eBooks at Audiobooks sa kanilang online bookshelves.
Malaki ang maitutulong nito sa ating lahat. Hindi lamang mga guro at mag-aaral ang makikinabang sa mga ito dahil maging ang mga pangkaraniwang tao na hilig ang pagbabasa ay matutulungan din nito.
Lope K. Santos (1879 – 1963)
- Puso’t Diwa
- Banaag at Sikat (1903)
- Ağ “Pağgiğgera (1912)
- Kandunğan (1927)
- Tinğíng Pahapáw sa Kasaysayan ñg Pámitikang Tagalog (1938)
- Sino ka? Ako’y Si… (1946)
- Mga Hawak na Dakila: 60 Tula (1950)
- Makábagong Balarilà (1951)
Zoilo Hilario (1892– 1963)
- Adelfas (de la Lira Filipina) (1913)
- Patria y Redencion (1914)
- Himnos y Arengas (1968)
- Bayung Sunis (1962)
- Mumunang Sinta
- Sampang E Malalanat
- Bandila ning Filipinas
- Juan de la Cruz, Anak ning Katipunan
Claro Mayo Recto Jr. (1890 – 1960)
- Bajo Los Cocoteros (Under the Coconut Tress, 1911)
- La Ruta de Damasco (The Route to Damascus, 1918)
- Solo Entre Las Sombras (Alone among the Shadows, 1917)
- Monroismo Asiatico (Asiatic Monroism, 1929)
Manuel Bernabe (1890 – 1960)
- Cantos El Tropico (Mga Awit ng Tropico)
- Prefil de la Cresta
- No mas Amor Que El Tuyo
- El Imposible
- Canta Poeta
- Castidad
- Mi Adios a Ilo-ilo
- Espana en Filipinas
Zoilo Galang (1895 – 1959)
- A Child of Sorrow (1921)
- Tales of the Philippines (1921)
- Life and Success (1921)
- The Box of Ashes and Other Stories (1924)
- Leaders of the Philippines (1932)
- Important Characters in the Philippine History (1939)
- Mario and Minda (1940)
- Hero of Tirad Pass and Others (1949)
- Mr. Perez, Teacher (1950)
- At Home, School and Community (1950)
Pascual De Leon (1893 – 1958)
- Buntong Hininga: Mga Tulang Tagalog (1915)
Honorio Lopez (1875 – 1958)
- Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. José Burgos at nang manga Nacasama niya na sina P. Jacinto Zamora, P. Mariano Gómez at ang Nadayang Miguel Zaldua
- Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920)
Faustino Aguilar (1882 – 1955)
- Pinaglahuan (1907)
- Busabos ng Palad (1909)
- Sa Ngalan ng Diyos (1911)
- Ang Lihim ng Isang Pulo (1927)
Florentino Collantes (1896-1951)
- Ang Lumang Simbahan
- Ang Tulisan
- Ang Barasoain
- Alitaptap
- Nagumon sa Bisyo
- Pag-ibig at Awa
Jesus Balmori y Gonzales-Mondragon (1887-1948)
- Rimas Malayas (1904)
- Gloria (1908)
- El Libro de mis Vidas Manileñas (1928)
- Mi Casa (1938)
- Mi Choza de Nipa (1940)
- Hidra
- Specs
- Vae Victis (Woe to the Victor)
- Himno A Rizal (Hymn to Rizal)
- Bancarrota de Almas (Failure of the Soul)
- Pajaros de Fuego (Birds of Fire)
- Compañados de Gloria
- Las de Sungkit en Malacañang
- Doña Juana LA Oca
- Flor del Carmelo
- Se Deshojo la Flor (I Tear the Pages Out of the Flower)
- A Nuestro Señor Don Quijote de la Mancha
Julian Cruz Balmaceda (1885 – 1947)
- Sa Bunganga ng Pating (On the Shark’s Mouth)
- Budhi ng Manggagawa (Worker’s Will)
- Dugo ng Aking Ama (My Father’s Blood)
- Kaaway na Lihim (Secret Enemy)
- Ang Tala sa Kabundukan (The Star on the Mountains)
- Kayamanang Lumilipad (Treasury Flies)
- Ale-Aleng Namamayong (Lady under the Umbrella)
- Ang Hampas ng Lupa (Nature’s Guilt)
- Ligayang Nawawala (Dissipating Happiness)
- Heneral Gregorio del Pilar
- Sangkuwaltang Abaka (One Penny-worth Abaca)
- Sining at Agham ng mga Dulang Iisahing Yugto (Science and Arts of One-Staged Plays)
Jose Sevilla (1880 – 1946)
- Alamat ng Ilang-Ilang
- Ang Pag-ibig ng Layas
- Mga Dakilan Pilipino; o ang Kaibigan ng mga Nag-aaral
- Si Rizal at ang mga Diwata: Zarzuelang Tagalog na may Dalawang Yugto
Benigno Ramos y Pantaleon (1892 – 1946)
- Mga Agam-agam at Iba pang Tula
Hermenegildo Cruz (1880 – 1943)
- Kartilyang Makabayan: Mga Tanong at Sagot ukol kay Andres Bonifacio at sa KKK
- Kun Sino ang Kumatha ng Florante
Cecilio Apostol (1877 – 1938)
- El tenor de los Mares Indicos (1895)
- Los Martires Anonimos de la Patria (1899)
- Al Yankee (1899)
- Rizal (1899)
- Mi raza
Isabelo De los Reyes y Florentino (1864 – 1938)
- Las Islas Bisayas en La Escopa de la Conquista
- Historia de Ilocos
- La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipina
- El Folklore Pilipino
- Ang Singsing ng Dalagang Marmol
Deogracias Rosario (1894 – 1936)
- Dahil sa Pag-ibig
- Ang Anak ng Kanyang Asawa
- Ang Manika ni Takeo
- Walang Panginoon
- Dalawang Larawan
- Ang Geisha
- Bulaklak ng Inyong Panahon
- Mga Rodolfo Valentino
- Ang Puso ng Geisha (Translation)
- Ang Mapaghimagsik (Translation)
- Mutya ng Pasig
- Dignity of Labor (Tagalog Version)
- Cancion Filipino
- Sakali Man
- Alma Mater Commencement Exercise
- The Piece of Night
Patricio Mariano (1877 – 1935)
- Sampaguita (1901)
- Ang Silanganan (1904)
- Juan Masili o Ang Pinuno ng Tulisan (1906)
- Ang Tala sa Panghulo (1913)
- Ang Pakakak (1913)
- Ang mga Anak Dalita (1911)
- Anak ng Dagat
- Ang “Filibusterismo” (Karugtóng ng Noli Me Tangere)- Translation
Gabriel Beato Francisco (1850 – 1935)
- Ang Katipunan (1899)
- Fulgencia Galbillo (1907)
- Capitan Bensio (1907)
- Alfaro (1909)
Nicanor Abelardo (1893 - 1934)
- Mutya ng Pasig
- Nasaan Ka Irog?
- Kundiman ng Luha
- Bituing Marikit
- Himutok
- Pahimakas
- Kung Hindi man
- Magbalik ka, Hirang
- Ikaw rin
- Nasan ang aking Puso?
- Sa ’yong Kandungan
Rosauro Almario (1886 - 1933)
- Ano ang Ligaya sa Ibabaw ng Lupa? (1907)
- Que Es Pueblo (1907)
- Ang Mananayaw (1910)
- Pinatatawad Kita (1910)
- Mga Anak Bukid (1911)
- Mga Dahong Luksa (1912)
- Nang si Eba ay Likhain (1913)
Juan Abad (1872 - 1932)
- Tanikalang Ginto
Fernando Maria Guerero (1873 - 1929)
- A Hispania (1913)
- A Rizal (translation)
Juan Lauro Arsciwals (1889 – 1928)
- Isa pang Bayani (1915)
Epifanio Delos Santos (1871 – 1928)
- Algo de Prosa (1909)
- Literatura Tagala (1911)
- El Teatro Tagala (1911)
- Nuestra Literatura (1913)
- El Proceso del Dr. Jose Rizal (1914)
- Florante Versión Castellana del Poema Tagalo con un Ensayo Critico (1916)
- Folklore Musical de Filipinas (1920)
Valeriano Hernandez Peña (1858 – 1922)
- Kasaysayan ng Magkaibigang si Nena at si Neneng (1905)
- Pagluha ng Matuid (1899)
- Mag-inang Mahirap (dalawang bahagi – 1905 at 1906)
- Hatol ng Panahon (1909)
- Pahimakas ng Isang Ina (1914)
- Unang Pag-ibig (1915)
- Dangal ng Magulang (1920)
Aurelio Tolentino (1867 – 1915)
- Dakilang Asal
- Kahapon, Ngayon at Bukas (1903)
- Maring (Dangal at Lakas): Ulirang Buhay Tagalog
Pantaleon Lopez (1872 - 1912)
- Bagong Infierno (1901)
- Zarzuelang Tagalog (1903)
- Tindang Tagalog (1906)
- La Independencia (1906)
- Asamblea (1907)
- Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) (1908)
- Delingkente (1908)
- Katubusan (1909)
- La Perla (1909)
- Aves de Rapiña (1909)
- Rizal en Capilla (1910)
- Dancing School (1911)
- Nena Pantoches (1912)
Pedro Paterno (1857 – 1911)
- A Mi Madre
- Ninay
- La Cristiano y la Antigua Civilization Tagala
- Sampaguitas y Poesias
Joaquin Tuason (1843 – 1908)
- Patnubay nga Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio
Jose Palma y Velasquez (1876 – 1903)
- Marcha Nacional Filipina
- Filipinas (1899)
Apolinario Mabini (1864 – 1903)
- Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas
Emilio Jacinto (1875 – 1899)
- Liwanag at Dilim
Antonio Luna (1866 – 1899)
- Noche Buena
- La Tertulia Pilipina
- La Maestro de Mi Pueblo
- Todo Por el Estomago
- Impresiones
Andres Bonifacio (1863 – 1897)
- Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan
- Ang Dapat mabatid ng mga Tagalog
Graciano Lopez Jaena (1856 – 1896)
- Fray Botod (1876)
- Esperanzas
- La Hija del Fraile
- Everything is Hambug
- Mga Kahirapan sa Pilipinas
- Sa mga Pilipino
Jose Rizal (1861 – 1896)
- Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan ng Malolos, Bulakan
- Noli Me Tangere
- El Filibusterismo
- Paalala sa mga Mapag-usapin
- Mi Primera Inspiracion
- La Tragedia de San Eustaquio
- Memorias De Un Esrudiante de Manila
- A La Juventud Filipino
- Junto Al Pasig
- El Amor Patrio
- Me Piden Versos
- A Las Flores de Heidelberg
- Awit ni Maria Clara
- The Rights of Man
- A La Nacion Espanola
- To my Fellow Countrymen
- Mi Ultimo Adios
Marcelo Del Pilar (1850 – 1896)
- Kaiingat Kayo (1888)
- Dasalan at Tocsohan (1888)
- Ang Cadaquilaan ng ng Dios
- Dupluhan
- La Soberania Monacal En Filipinas
- Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
- Ang Kalayaan
Jose Corazon De Jesus (1832 – 1896)
- Ang Manok kong Bulik (1911)
- Mga Gintong Dahon (1920)
- Barong Tagalog (1921)
- Ang Pagbabalik (1924)
- Ang Pamana (1925)
- Sa Dakong Silangan (1928)
- Bayan Ko (1929)
- Isang Punong Kahoy (1932)
- Pakiusap
Fray Miguel Lucio y Bustamante (1842 – 1893)
- Benito y Rosalia 1882)
- Breves Instrucciones a los Jovenes Religiosos Franciscanos Destinados a la Cura de Almas en Filipinas (1886)
- Patnugot ng Coleccion de Reframes, Frases y Modismos Tagalos (1890)
- Si Tandang Basio Macunat
Jose Maria Panganiban (1863 – 1890)
- Annuestro Obispo
- Noche de Mambulao
- El Pensamiento
- Ang Lupang Tinubuan
- Sa Aking Buhay
- La Unibersidad de Manila
- Su Plan de Estudio
Modesto De Castro (1819 – 1864)
- Pagsusulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at Feliza (1864)
Francisco Balagtas (1788 – 1862)
- Abdol at Misereanan
- Almanzar at Rosalina
- Auredato at Astrone
- Bayaceto at Dorlisca
- Clara Belmori
- Don Nuño at Zelinda
- Florante at Laura (1838)
- La India Elegante y El Negrito Amante
- Mahonet at Constanza
- Nudo Gordeano (Gordian Knot)
- Orosman at Zafira
- Rodolfo at Rosemonda
Anonymous
- Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at Reina Valeriana sa Cahariang Berbania (Ibong Adarna)
Mga Sanggunian:
Araling Pilipino
Browse by Language: Tagalog – Project Gutenberg
www.gutenberg.org/browse/languages/tl
Importance of Classic Literature
Pinoy Folktales
Public Gutenberg Self-Publishing Press
Sagisag Kultura
philippineculturaleducation.com.ph
Slide Share
www.slideshare.net/rosalieorito/mga-dakilang-manunulat-at-ang-pamagat-ng-kanilang-akda
www.slideshare.net/markabadines/mga-akdanaisulat-ni-dr-jose-rizal
Wikipedia
No comments:
Post a Comment